kaya mula ngayon...
Mag lilinis ako ng aking kwarto
Na punong puno ng gamit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pag paliban
Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan dahan kong inipon
Ngunit ngayon kelangan ng itapon
Ang jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyo ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan
Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto
Naroon sya
Hindi ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon….

0 Comments:
Post a Comment
<< Home